Abante Tonite Interactive

Batang umaalalay sa bulag na mga magulang nag-viral

574

Umantig sa damdamin ng mga netizen ang post sa social media tungkol sa mag-asawang PWD at kanilang anak.

Kuwento ni John Cuenca Alterado sa Facebook post, nagsisilbing gabay ng kanyang bulag na mga magulang ang musmos nilang anak sa lansangan.

May tali kasing nakakabit sa baywang ng mga magulang na hawak naman ng kanilang anak upang hindi sila magkahiwa-hiwalay.

Obligasyon ng mga magulang na bantayan at gabayan ang kanilang mga anak pero sa tagpong kanyang nakita, napahanga siya sa bata.

Makikita sa viral na mga larawan na nakaupo ang mag-anak sa sidewalk.

Sa huling larawan ay dito maki­kitang paalis na ang mag-anak at upang masiguro ng bata na hindi mawawala ang kanyang mga magulang, pinili nito na lagyan ng tali sa baywang ang mga magulang.

Sana raw ay mayroong tumulong sa mga ito, ayon kay John.

Agad nag-viral ang nasabing post kung saan umabot sa 17,000 shares, 1,700 comments at 10,000 reactions. (IS)