Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batangas, Ilocos atat sa PBA bubble

0 374

Hindi pupuwersahin ng PBA ang teams na sa Batangas City na mag-training, pero mas maganda na para sa lahat kung nasa nabanggit na venue lang.

“Kasi sa Batangas kami na mag-aayos ng mga protocols, guidelines,” paliwanag ni commissioner Willie Marcial Miyerkoles. “’Yung sa iba, kanya-kanya silang kuha ng necessary approvals samantalang ‘pag sa Batangas, lahat ng mga kailangan kami na lalakad, mag-aayos.”

Kakailanganin ng team na magsasanay doon ang approval ng JAO (joint administrative order), IATF at LGU. At dapat tugma sa hospital-like standards ng PBA ang health and safety protocols.

May offer din ang Ilocos Norte sa PBA para doon sa lalawigan mag-training, puwede ring doon na ang Philippine Cup.

Nasa MECQ pa ang NCR-plus, bawal pa ang scrimmages. GCQ ang Batangas kasama ang Batangas City, samantalang nasa mas maluwag na MGCQ.

Makakapagsimula lang ng scrimmages ang teams kapag tumango ang IATF sa request ni Marcial.

Malapit sa Metro Manila ang Batangas, puwedeng balikan ang teams.

Isa sa positibong tumugod agad sa abiso ng PBA official na sa ‘Ala Eh’ mag-training ang 12 team, si Barangay Ginebra San Miguel coach Tim Cone. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.