Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batangas nilindol

0 67

Isang 4.5-magnitude earthquake ang tumama kahapon sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa report ng Phivolcs, alas-3:39 ng madaling araw nang maramdaman ang lindol na ang sentro ay naitala sa Calatagan, Batangas.

May lalim na 74 km ang tectonic earthquake. Naramdaman ang Intensity II sa Calatagan, Batangas; Puerto Galera, Oriental Mindoro. Intensity 1 naman sa Tagaytay City, Cavite at Olongapo City.

Walang inaasahang pinsala at aftershocks sa nasabing lindol. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.