Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batas kontra child bride umusad na

0 287

Sinuportahan sa Kamara ang panukalang batas para ipagbawal ang child marriage.

Sa pagdinig nitong Miyerkoles, inaprubahan ng House committee on women and gender equality ang prinsipyo ng apat na panukala laban sa child marriage.

Sa mosyon ni Lapu-Lapu City Rep. Paz Radaza inaprubahan ng komite na pagsamahin ang mga panukala.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Bukidnon Rep. Maria Lourdes Acosta-Alba, chairperson ng komite, ang Pilipinas ang pnag-12 sa mga bansa na maraming child bride na umaabot sa 726,000 batay sa datos ng United Nations Children’s Fund.

Layunin umano ng panukala na proteksiyonan ang karapatan ng mga bata na nawawala dahil sa maagang pagpapakasal sa mga ito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.