Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batas kontra kaso sa employer inihain

0 379

Naghain ng panukalang batas si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III para protektahan ang mga private employer sa posibleng kaso na isasampa ng kanilang mga empleyado na tinamaan ng COVID-19 sa trabaho.

Sa Senate Bill No. 1515 o Employer’s Liability Protection from COVID-19 Act, nakasaad na ang mga pribadong kompanya na pinayagan ng gobyerno na mag-operate sa panahon ng COVID-19 outbreak ay dapat na walang pananagutan sa kanilang mga empleyado na mahahawa ng COVID-19 habang nagtatrabaho.

Para kay Sotto, makikinabang dito ang mga maliliit na negosyo na lalong maaapektuhan kapag naharap sa mga kasong may kinalaman sa COVID-19 infection ng kanilang mga manggagawa.

Subalit kailangan din aniya na sumunod ang mga employer sa mga batas at safety protocol na inisyu ng gobyerno para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 para maging applicable sa kanila ang naturang panukala. (JC Cahinhinan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.