Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batas na ipinasa ng PNoy admin ibala vs agri, shabu smuggling

0 100

Maaari umanong gamitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na ipinasa ng Aquino administration upang labanan ang agricultural at shabu smuggling sa bansa.

Hinamon ni House Deputy Speaker Lito Atienza ang Marcos admin na gamitin ang Section 440 ng Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863) sa pag-inspeksiyon sa mga kargamento sa lugar kung saan ito manggagaling o bago ibiyahe papunta sa Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

“As the head of the Department of Agriculture, we strongly urge the new administration to immediately and effectively address this long-festering problem of corruption which allows the continued entry of imported agricultural products that is hurting our economy and our local farmers,” sabi ni Atienza.

Ang RA 10863 ay ipinasa ng Kongreso at naisabatas noong 2016 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Benigno ‘PNoy’ Simeon Aquino III. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.