Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batas para ilibre COVID bakuna sa VAT ipasa

0 105

Iginiit ni Senador Pia S. Cayetano na ang COVID-19 vaccines ay dapat exempted na mula sa value added tax (VAT) kung na-adopt ng House ang bersyon ng Senado tungkol sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill bago natapos ang session ngayong taon.

Ito ang reaksyon ni Cayetano sa panawagan ni House Ways and Means Chair Rep. Joey Salceda sa gobyerno para ilibre sa tax ang covid vaccines.

“I agree with the call of my House counterpart to exempt COVID-19 vaccines from tax. In fact, VAT exemption is already provided in the CREATE bill, which the Senate passed on third and final reading last November 26,” ayon sa Senate Ways and Means Committee chair.

SM food to go Banner Ad

“This could have already been a law now if only the House of Representatives saw the merit in adopting our version before the session ended this year” diin ng Senadora.

Sinabi ni Cayetano na gusto lamang ng mga senador ng malinaw na listahan ng exemptions para maisama hindi lang ang vaccines kundi pati ang lahat ng gamot,devices, raw materials, at capital equipment na kailangan para matulungan ang gobyerno sa tugon nito laban sa pandemya.

Maaalalang si Cayetano ay gumawa ng manifestation sa huling araw ng session sa magiging problema kapag hindi naipasa ang CREATE bill ng Congress ngayong taon, na nag-uutos ng agarang pagbaba sa corporate income tax mula sa 30% hanggang 25% sa lahat ng negosyo, at 20% para sa qualified micro, small, at medium enterprises simula sa July 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.