Abante Tonite Interactive

Batas para sa mga walang garaheng pasaway

590

FOR THE RECORD

Tapos na ang eleksyon at panahon na para planuhin at isipin ng mga bagong halal na opisyal at mga mam-babatas sa Kamara at Senado ang mga batas na isusulong nila kapag nagsimula na sila sa kanilang trabaho.

Sana isa sa mga c­ongressman o senador ang makaisip na magsulong ng panukalang batas kung paano maibsan ang pagsisikip sa mga lansangan dahil sa dami ng mga sasakyan at mga nakaparadang sasakyan na hindi naman dapat.

Matagal ng problema ang illegal p­­ar-king sa bansa dahil sa kawalan ng garahe ng mga may s­ariling sasakyan kaya sa mga tabi ng kalsada nakaparada ang mga sasakyan na nagiging perwisyo sa publiko.

Sana may makaisip na gumawa ng batas na hindi maaaring bumili ng sasakyan kahit pa kayang magbayad kung walang sariling garahe.

Dekada na ang problema ng kawalan ng sapat na parking sa kahit saang lugar sa bansa pero walang nakaisip o kung meron man ay walang n­angahas na maghain ng panukalang batas patungkol dito dahil ang iba sa mga mambabatas ay negosyante at may-ari ng tindahan ng sasakyan.

Bukod dito, tiyak na aalma ang malalaking kompanya ng sasakyan dahil hihina ang benta kaya kikilos ang lobby group o PR para harangin ang ano mang panukala sa Kongreso.

Pero kung talagang ang iisipin ay kapa-kanan at interes ng sambayanan, dapat ay tularan ang political will ng lider ng bansa.

Napakadaling bumili ng sasakyan sa ngayon dahil sa kabi-kabilang promo at akala mo tatlo bente singko na lang kaya naman malakas ang benta ng mga kompanya pero ang epekto ay ang matinding problema sa traffic at perwisyong pampasikip sa mga kalsada.

Pati mga side street sa Metro Manila at iba pang lungsod sa bansa ay puno na ng sasakyan dahil walang batas na nagbabawal magparada sa mga ito.

Sobra na sa dami ng mga sasakyan sa bansa pero hindi naman nadadagdagan ang mga kalsada at ang mga walang garahe ay sa kalsada na pumaparada ng kanilang sasakyan.

Para sa mga nanalong alkalde sa buong bansa, dapat magpasa ng ordinansa na hindi puwedeng bumili ng sasakyan kung walang sariling garahe. Gagawin kaya ito nina ma-yor? Baka ang isipin ay ang mawawalang boto sa susunod na eleksyon kapag ginawa ito.

Dapat pati ang Land Transportation Office ay maging mahigpit din at tingnan muna kung ang kukuha ng rehistro ay may garahe o wala. Katwiran ng ahensiya wala silang sapat na tao para mag-check kung may garahe o wala kaya lumala ang problema.

Panahon na para kumilos at magkaroon ng totoong pagbabago dahil napakatagal ng panahon at naging notorious na ang marami sa mga Pilipino sa b­ara-barang pagparada ng mga sasakyan kung saan-saan lang.
Mga senator, congressman at mga mayo­r hinahamon ko kayo, ipakita ninyong kaya ninyong aksiyonan ang problema na matagal ng perwisyo sa mara-ming mamamayan.