Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batas para walang VAT sa virus vaccine ipasa

0 92

Iginiit ni Senador Pia Cayetano na dapat exempted sa value-added tax ang mga bakuna laban sa COVID-19 kung na-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado sa panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bago natapos ang sesyon ngayong taon.

Reaksyon ito ni Cayetano sa panawagan ni Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, sa gobyerno para ilibre sa buwis ang COVID bakuna.

“I agree with the call of my House counterpart to exempt COVID-19 vaccines from tax. In fact, VAT exemption is already provided in the CREATE bill, which the Senate passed on third and final reading last November 26,” ayon kay Cayetano, chairperson ng Senate committee on ways and means.

Aniya, batas na sana ang CREATE kung pinagtibay din itong Kamara bago natapos ang sesyon nito.

Sinabi ni Cayetano na gusto lamang ng mga senador ng malinaw na listahan ng mga exemption para maisama hindi lang ang bakuna kundi pati ang lahat ng gamot, devices, raw materials, at capital equipment na kailangan para matulungan ang gobyerno sa pagtugon nito sa pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.