Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batas sa ALS inaprub ng bicam

0 184

Inaprubahan na sa bicameral conference committee ang isang panukala na lalong magpapatatag sa implementasyon ng Alternative Learning System (ALS) sa bansa, anunsyo ni Senador Sherwin Gatchalian sa kanyang Twitter.

Subalit Kailangang maratipikhan muna ang bicameral committee report ng panukalang Alternative Learning System Act sa Senado at Kamara bago ito maipadala sa sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo.

Kapag naging batas na ito, tinitiyak ng panukala na magkakaroon ng “equitable access” sa edukasyon ang sino man partikular iyong nakatira sa mga liblib na lugar, mga conflict-affected community at mga nasa emergency situation.

Noong 2019, nasa 278,000 indibidwal ang nag-enrol sa ilalim ng ALS program ng Department of Education (DepEd). (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.