Abante Tonite Interactive

Batas sa iligal na droga may problema

By
195

Hindi naipapatupad ng maayos ang batas laban sa iligal na droga o ang Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) kaya natatambakan ng kaso ang mga korte at mababa ang conviction rates.

Ito ang nagtulak kay Quezon City Rep. Winston Castelo para ihain ang House Bill 1099 lalo na’t 70% umano sa kasong nakasampa ngayon sa mga Korte ay may kaugnayan sa iligal na droga.

Sa ilalim ng panukala ni Castelo, napapansin umano na walang malinaw na special courts na humahawak sa mga kaso ng iligal na droga sa kabila ng nakasaad sa Section 90, Article XI na kailangang magtalaga ng special court ang Korte Suprema sa lahat ng mga Regional Trial Court (RTC) na hahawak ng nasabing kaso.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil kung talagang may special courts ay bakit natambakan ng kaso ng droga ang mga korte.