Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batas sa kalusugan ipatutupad – Marcial

0 270

Mas mahigpit na health protocols ang ipapatupad ng PBA kapag bumalik na sa practice facilities ang players.

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na makapag-ensayo ang team sports na basketball at football, inaasahang dalawang linggo mula ngayon ay makakapag-workout na ang players ng PBA.

By batch ang magiging senaryo ng workout.

Apat na players, isang health officer at isang trainer lang ang papayagang makapasok sa gym. Pagkatapos ng workout, bihis at diretso uwi na ang mga ito bago papapasukin ang susunod na batch.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, pagsusuutin ng face masks ang players, pagagamitin ng hand sanitizers. Magkakaroon din ng thermal scanners at foot mat bago pumasok ng gym.

Siyempre pa, ite-test ang players at officials bago makapag-workout.

“Titingnan natin kung ano pa ang kulang,” ani Marcial.

Kapag napasakamay na ang letter of approval ng IATF, sa July 10 ay makikipag-meeting ang commissioner sa 12 coaches at team managers para ipaliwanag pa ang guidelines at protocols. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.