Abante Tonite Interactive

Batas sa pagbebenta ng UP property, pinirmahan ni Digong

488

Nilagdaan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagbibigay ng pahintulot sa University of the Phi­lippines (UP) para ibenta ang bahagi ng lupa nito sa Brgy. Krus Na Ligas, Quezon City.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11454, maaari nang ipagbili ng UP sa Pamahalaang Lokal ng Quezon City ang bahagi ng lupain nito sa naturang barangay na nasa 22,467 hektarya.

Gayunman, naka­saad sa batas na awtomatikong babawiin ang ‘authorization’ kapag hindi nagkaroon ng kasunduan ang UP at Pamahalaang Lokal ng Quezon City sa terms and conditions ng bili­han sa loob ng isang taon matapos maging epektibo ang RA 11454.

Inatasan din ng batas ang pamahalaang lokal na bumuo ng technical working group para matukoy ang mga lehitimong residente ng Brgy. Krus Na Ligas na mga qualified buyer ng lupa.

(Prince Golez)