Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batas vs `di bakunado ipasa – Duterte

0 215

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng batas na magpapataw ng parusa sa mga hindi bakunadong indibidwal na pagala-gala at posibleng pagmulan ng pagkalat ng COVID-19.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People Miyerkoles ng gabi sa harap na rin ng patuloy na pagtanggi ng ilan na magpabakuna laban sa COVID-19.

Tinawag ng Pangulo na mga “walking spreader” ang mga ayaw pabakuna kontra COVID

SM food to go Banner Ad

“Now ito ngayong ayaw magpabakuna, sinasabi ko sa inyo huwag kayong lumabas ng bahay kasi `pag lumabas kayo ng bahay, sabihin ko sa mga pulis eh ibalik ka doon sa bahay mo. You will be escorted back to your house because you are a walking spreader,” sabi ng Pangulo.

Sa ngayon aniya walang magawa laban sa mga matitigas ang ulong pagala-gala sa labas kahit may banta ng Delta variant.

“We have to come up with a law punishing a guy, a person, who has not been vaccinated and going around,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.