Abante Tonite Interactive

Batasan lockdown na para sa SONA

By
1,053

Kasado na ang preparasyon para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte bukas, Lunes, Hulyo 23.

Ipinatupad simula nitong Biyernes, Hulyo 20, ang tatlong araw na lockdown sa Batasang Pambansa Complex sa Lungsod ng Quezon na bahagi ng pinaigting na seguridad.

Ayon kay House Sergeant-at-Arms (retired) Lt. Gen. Roland Detabali, plantsado na ang mga plano para sa ilalatag na seguridad.

Ibig sabihin aniya ng ipinatupad na lockdown ay papasukin lamang sa Batasan ang mayroong access para magtrabaho at maghati­d ng mga supply ilang araw bago ang SONA.

Binanggit din ni Deta­bali na handa na ang mga ahensiya at puwersa ng gobyern­o, gayundin ang mga ka­gamitan para tugunan ang ano mang e­mergency.

“We are actually doin­g exercises so that we can deal with these problems. We have held numerous inter-agenc­y meetings, plannings and rehearsals consi­dering all possible scenarios from bombings, fire, chemical attack, etc… and have measures in place to ensure the safety of the President, our other VIP’s, guests and personnel,” pahayag ni Detabali.

Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa Presidential Security Group (PSG), pulisya, militar at iba pang security-related agencies.

Bumuo aniya ng Joint Coordinating Com­mand Center (JCC) na magmamando ng security procedure.

Tiniyak din ni House Secretary-General Atty. Cesar Strait Pareja, chairman ng SONA 2018 steering committee na nakahanda sila sa ano mang magiging kaganapan.

“Just to assure you, based on what we have been doing before, we prepare for the worst but we expect the best. We hope for the best, but we are ready in case anything happens,” sabi ni Pareja.