Batasan pinalibutan ng 3K PNP

Hinigpitan ng mga operatiba ang paligid ng Batasan Pambansa Complex sa Quezon City kung saan kasalukuyang isinasagawa ang canvassing ng mga boto para sa president at vice president na sinimulan kahapon.
Ayon kay Maj. Wennie Ann Cale, spokesperson ng Quezon City Police District (QPCD), umaabot sa mahigit 3,086 police officers ang itinalaga para magbantay at tiyakin na maging ligtas ang paligid ng complex at mga katabing lugar.

Sa nasabing bilang umano, 2,155 ay mula sa QCPD habang ang iba naman ay mula sa ibang police districts.
Aniya, isinara sa trapiko ang IBP Road bilang bahagi ng security measures at maaaring dumaan ang mga motorista sa Litex Road para sa alternatibong ruta. (Dolly B. Cabreza)