Bati na?Janella, Julia nagtagpo sa wedding

Nagkrus ng landas ang dating mag-best friend na sina Janella Salvador at Julia Barretto sa wedding nina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.
Nu’ng magbalik-Pinas si Janella last year mula nang manganak saUK, nabanggit niya na hindi na sila nag-uusap matagal na.
Sina Julia at Janella ay nagkaroon ng isyu nu’ng early 2020.

Ang naging ugat umano nang hindi pag-uusap ng dalawa ay nang i-unfollow ni Julia si Janella dahil naging mag-loveteam sina Janella at Joshua Garcia, ang ex ni Julia, sa The Killer Bride.
Pero, nag-reach out daw naman si Julia nang malaman nitong preggy siya.
May photo naman na magkakasama sila ni Gabbi Garcia. Posibleng nagkausap na ang dalawa at nagkabati.