Abante Tonite Interactive

Batikang personalidad rumaket kahit may baong oxygen tank

By
0 782

 

tonite-pak-allan-diones

Naawa kami sa isang batikang showbiz personality (BSP) na nagdusa dahil sa kagagawan ng kanyang walang kuwentang karelasyon.
May mga anak si BSP sa dati niyang misis, tapos ay nagkaroon siya ng female partner (FP) na later on ay siya na ring nag-manage ng kanyang career.
Hindi matino si FP dahil lulong pala ito sa masamang bisyo. At ang masaklap, nagamit-gamit nito si BSP para matustusan ang bisyo nito.
Kaya pala dumating sa puntong kahit masama na ang pakiramdam ni BSP ay tumatanggap pa rin ito ng raket at sige pa rin sa pagpe-perform.
Walang keber si FP kahit wala sa kondisyon ang nobyo nito basta lang magkapera sila at may panggastos ito para sa bisyo nito.
Kahabag-habag ‘yung kuwento na kahit may baon nang oxygen tank si BSP at hindi na matino ang lagay nito, sing pa rin ito para magkadatung sila ng kanyang abusadang nobya.
May pagkakataon din na nag-record pa ng kanta si BSP kahit sumasakit na ang tiyan nito.
Nakakalungkot ang nangyari kay BSP dahil sa ma­ling tao na kanyang minahal.

Young actress lumalambot kay Aguas

Itsura ng may pa-high school reunion sa dami ng bagets na dumating sa red carpet premiere ng teen suspense-thriller na “Class of 2018” sa TriNoma Cinema 7 nu’ng Tuesday night.
Suportado ang mga bidang sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar at Kiray Celis ng kanilang “Goin’ Bulilit” family at mga kaibigan sa showbiz.
In full force ang NashLene at CJTel fans. In fairness sa loyal supporters ng NashLene, kahit alam nilang may Mika dela Cruz na girlfriend si Nash sa totoong buhay, grabe pa rin ang kilig nila kina Nash at Sharlene.
Mereseng gory at violent ang mga eksena sa R-16 na pelikula, ang lakas ng tilian ng mga faney na akala mo ay romcom ang palabas sa big screen.
Mga simpleng tinginan o hawakan ng kamay ng NashLene ay todo hiyawan ang audience. Benta rin sa kanila ang mga kalokahan ni Kiray.
Actually, astig-astigan ang dating ni Sharlene at hindi ito ‘yung typical girl na mala-damsel in distress na dapat sagipin, pero parang lumambot si Shar ‘pag kaeksena si Nash.
Kahapon nagbukas sa mga sinehan ang “Class of 2018” mula sa T-Rex Entertainment Productions.

LJ-Paolo malabo pa ang kasal

Suportado ni LJ Reyes ang upcoming movie ng nobyo niyang si Paolo Contis na “Through Night and Day” katambal si Alessandra de Rossi.
As in nag-organize ng sariling pa-block screening si LJ para sa family and friends nila ni Paolo.
Obvious na excited mapanood ni LJ ang pelikulang pinaghirapang gawin ni Pao sa Iceland kasama si Alex, na sa November 14 ang showing sa mga sinehan.
Kinailangang iwan si LJ ni Paolo kahit buntis siya para mag-shoot ito abroad. First time daw ‘yon na nawala nang ganu’n katagal si Paolo.
Kuwento ni Pao, very supportive naman ang production team nila sa Iceland na tuwing nasa celfone siya, alam ng mga ito na si LJ ang kausap niya.
Pagdating sa isyu ng kasal, ang sagot ni Paolo ay hindi pa puwede sa ngayon, “but the case is moving better” dahil cooperative naman daw ang both parties.
Naniniwala si Pao na pareho sila ng ex-wife niyang si Lian Paz na gusto nilang maging maganda ang buhay nila with their respective partners.
“I’m happy for her and I’m hoping na maging maayos lahat, maging legal lahat,” sambit ni Paolo, na ang dalawang daughters kay Lian ay madadagdagan ng isa pa, sa nalalapit na pagdating ng baby girl nila ni LJ.