Abante Tonite Interactive

BATO, BATO… MATOBATO!

110

FEMALE singer na yumaman dahil sa pagkanta, nagbebenta ng mga gamit niya.

Ang chika chururut, kailangan niyang magbawas ng gamit dahil masikip na ang kuwarto niya.

Sikat si ate noong 80’s hanggang 90’s. Ang mga kanta niya, hindi malaus-laos.

Abante Hiring – IT dep

Bata at matanda, giliw sa kanyang hit songs.

Sa TV, sikat na sikat siya noon. Maraming gustong patumbahin siya, pero sorry, no dice… tunay siyang bituing maningning.

Nagkaasawa at nagkaanak si ate. Nawala sa music scene pero noong bumalik, nakipagkabugan pa rin sa mga bagong sulpot na manganganta.

Hindi siya nagpatalo sa kanila lalo na sa pera at mga mamahaling ga­mit, tulad ng imported bags.

Sa dami, gusto ni­yang i-Ben Tumbling ang collection niyang LV bags.

Pina-post niya ito sa secretary niya.

Isang superfan niya ang nagkainteres sa bag ng idolong singer. Agad nag-PM ang fan sa secretary at nakipagkita. Siempre, nagkabayaran na ng P40,000. Cash!

Sobrang saya ng fan at ipinagmalaki ang LV bag na binili niya kay idol.

Tiningnan, hinaplos at sinipat-sipat ng mga yayamaning amiga ang LV bag na binili ni fan.

Ang verdict ng mga yayamaning amiga, “It’s a FAKE!!!” Nanlumo ang kawawang fan.

Nang tinawagan ni fan si secretary, cannot be reached na.

Tinext nang ilang beses, wah answer.

Nag-PM ang fan sa FB… na-block na siya.

Chika ni fan, idol niya si singer pero manloloko pala ito.

TEKA!

How sure si fan na manggagantso ang female singer?

What if, tunay ang bag na pinabenta ni female singer, pero pinalitan iyon ni secretary ng huwad?

Aba! Aba! Aba! Kailangan ng masusing imbestigasyon ang bagay na ito!

Makarating kaya ang usaping ito sa Senado?

Huwag kayong basta-basta magbato ng paratang at baka ma-Matobato kayo!