Abante Tonite Interactive

Bato bigyan ng ‘second chance’ – Sotto

905

Umapela si ­Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa mga ­kritiko na bigyan pa ng ­‘second chance’ si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa matapos ang natikman nitong mga batikos­ matapos ipahayag na nagbago na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Posibleng nagbibiro lang umano si Dela Rosa nang sabihin nito na dapat bigyan ng ­‘second chance’ si Sanchez sa gitna ng matinding­ galit ng publiko matapos ihayag sa publiko na posibleng maka­laya na ito.

Hindi lang aniya marunong mag-deliver­ ng punchline si Dela Rosa nang sabihin nitong isa nang ‘changed man’ si Sanchez matapos ang 24 taon na pagkakabilanggo dahil sa kasong rape-murder kay Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan­ Gomez.

“Sa tingin ko nang sinabi n’ya ‘yun medyo nagpapatawa eh. ‘Di lang nakuha agad ang pagpapatawa n’ya, ang sabi nya kasi sa second­ set kasi ­nagbago na.

Dapat tinuloy niya ‘yung joke, nagbago na kasi nagbihis babae na ngayon­,” pahayag ni ­Sotto sa panayam ng himpilang DWIZ.

Sabi ni Sotto ­nagbago na nga si Sanchez dahil nagbibihis babae ito at may mga litrato siyang nagpapatunay dito.

“Totoo may mga ­litrato eh, Ipiprisinta ko sa inyo abangan nyo. That’s the other side. The other side, is ­second chance to commit the same crime again,” ayon pa sa senador.

Naniniwala si Sotto na hindi susuportahan ni Dela Rosa ang pagpapalaya kay Sanchez dahil­ salungat ito sa kanyang posisyon na ibalik ang parusang kamata­yan para sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen gaya ni Sanchez.

“Kaya nga pwedeng gamitin sa kanya pero i would like to think na ‘di natapos ang gusto nyang sabihin. ‘Di nai-timing,” ani Sotto.