Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bato binasted ng CHR sa balik-bitay

0 288

Bigong makumbinsi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang isang opisyal ng Commission Human Rights (CHR) na dapat ibalik ang parusang kamatayan sa mga krimeng may kaugnayan sa iligal na droga.

Sa pagdinig sa Senado ng House Bill No. 7814, binanggit ni Dela Rosa ang mga Chinese drug lord na may parusang habambuhay na pagkakakulong at patuloy sa pag-operate ng illegal drug trade sa bansa.

Ilang bilanggo pa raw ang nagamit para maikasa ang misencounter sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police District noong Pebrero.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Yung frustration ng law enforcement na sana nabitay na itong drug lord na ito kasi kung nabitay na ito noon, wala na itong problema na ito ngayon,” lahad ni Dela Rosa.

Pero sabi ni CHR Commissioner Karen Dumpit, dapat respetuhin ang karapatang mabuhay ng sinuman.

“On your example of a drug lord orchestrating misencounters, why is he enabled to do that? He is already confined. Where is the accountability of custodians?” wika ni Dumpit. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.