Abante Tonite Interactive

Bato: BuCor chief pinapatay ng drug lord sa Bilibid

443

Posibleng ang mga drug lord na nag-ooperate sa New Bilibid Prison (NBP) ang nasa likod ng pamamaslang kay Bureau of Corrections (Bucor) legal chief Frede­rick Santos, ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kahapon.

“Based on my experience, iyong mga nagpapatay sa mga tao natin diyan sa BuCor, iyan rin iyong mga nakakulong na drug lords,” pahayag ni Dela Rosa sa mga reporter sa isang panayam kahapon sa Camp Crame.

Dagdag pa ni Dela Rosa, marami pa rin umanong mga koneksyon ang mga drug lord na nakakulong sa NBP.

“Marami pa rin pera, marami pa rin galamay iyan sa labas na puwede ka ipapatay,” saad pa nito.

Sangkot din umano ang ibang drug lord sa pananakot sa mga judge at prosecutor gayundin sa pagpatay sa mga abogado dahil mayroon umano silang pera at kaya nilang bumili ng buhay, ayon pa sa senador.

Si Santos ay inambush ng hindi pa kilalang gunman sa loob ng kanyang sasakyan sa Muntinlupa City nitong Miyerkoles ng hapon.

“Naawa ako doon sa aking tao. Tao ko iyon dati. Nagkaproblema na nga. Suspended na nga, sira na iyong buhay niya, nasira na iyong kanyang career pinatay pa,” saad pa ng senador.

Muntinlupa,

BuCor blangko pa

Blangko pa rin ang Muntinlupa City Police at Bureau of Corrections (BuCor) sa pagpaslang sa suspendidong legal officer.

Sa panayam kay Police Col. Hermogenes Cabe, hepe ng Muntinlupa City Police, sinabi nito na patuloy pa rin silang nag-iimbestiga sa pagpatay kay Santos.

Kasabay nito ay bumuo na ng Special Task Force Group Santos na kinabibilangan ng Southern Police District, National Capital Region Police, Muntinlupa City Police at BuCor na siyang tututok sa imbestigasyon.

Ayon pa kay Cabe, kahapon ay dalawang imbestigador ang kanyang inutusan para magtungo sa tanggapan ng BuCor upang kuhanan ng statement ang ilang kasamahan ni Santos at alamin ang background nito dahil sa sinasabing 20 taon na itong naglilingkod sa ahensiya.

“Tomorrow po may case confe­rence kami ng Bucor at PNP regarding po dito sa pagpaslang kay Santos” ani Cabe.

Sa unang teorya ng pulisya, hinihinalang may kaugnayan ang pagpatay kay Santos sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Malaking hamon sa PNP, NBI malaking hamon umano sa mga law enforcement agency partikular sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation (NBI) na matukoy ang nasa likod ng pagpaslang kay Bureau of Corrections (BuCor) legal chief Atty. Frederick Santos, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“It is another big challenge to law enforcement agencies, including the Philippine National Police and National Bureau of Investigation, to get to the bottom of the case,” sabi ni Lacson sa isang statement.

Sa paraan ng pagpatay kay Santos, sinabi ni Lacson na ganoon na lang kamura ang buhay sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

“The manner in which Santos was killed shows how cheap life has become in the government’s war on drugs, be it stage-managed or perpetrated by drug syndicates,” sabi ni Lacson.

“Either way, it is on the law enforcement agencies to bear the burden of finding the solution to this impunity,” dagdag pa nito. (Edwin Balasa/Armida Rico/Dindo Matining)