Abante Tonite Interactive

Bato dawit sa gulo ng Geronimo-Guidicelli wedinng

4,312

Pinuntirya ng mga netizen si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa nangyaring gulo sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Paratang na biro ng netizen na si @pinoymommy, si Dela Rosa umano ang nagsumbong sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine ng tungkol sa kasal para mailipat ang atensiyon dito at hindi na siya ang mag-trending.

Nilagyan pa niya ito ng face with tears of joy emoji.

Magugunitang nag-trending ng ilang araw ang dating Philippine National Police chief dahil sa pahayag nitong ano kung mawalan ng trabaho ang 11K empleyado ng ABS-CBN kapag hindi na-renew ang prangkisa nito kompara sa Filipino nation na matagal nang pinagsamantalahan umano ng media company.

Nanawagan pa ng pagbibitiw niya ang mga netizen.