Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bato `di haharapin kaso sa ICC

0 115

“I’d rather be tried, convicted and even hanged before a Filipino court.”

Ito ang sinabi ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa matapos payagan ng International Criminal Court (ICC) na simulan na ang pag-imbestiga sa kaso ng ‘crimes against humanity’ laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kampanya nito laban sa iligal na droga.

Sabi ni Dela Rosa, kasama siya sa mga akusado subalit bilang isang Pilipino ay mas gugustuhin niyang litisin, hatulan at kahit na bitayin pa basta sa isang korte sa Pilipinas ito gagawin at hindi sa dayuhang hukuman.

SM food to go Banner Ad

Inihayag ito ni Dela Rosa sa budget hearing ng Commission on Human Rights (CHR) sa Senado.

Si Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief, ay kilalang nanguna sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Bagama’t hindi pa pinapangalanan ng ICC ang mga akusado, binanggit ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang mga pahayag sa publiko nina Pangulong Duterte at Dela Rosa hinggil sa diumano’y paghikayat ng mga ito sa pagpatay sa mga drug suspect. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.