Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bato hihiritin kay Digong ipatigil e-sabong

0 188

Balak ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa na hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto na ang operasyon ng online sabong dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nawawalang sabungero sa bansa.

“Ako talagang desidido kausapin si Presidente na ihinto muna itong e-sabong na ito,” pahayag ni Dela Rosa.

Si Dela Rosa ang chairperson ng Senate committee on public order and dangerous drug na nagsagawa ng pagdinig kahapon sa isyu ng e-sabong.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos mapakinggan ang hinaning ng pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Sinabi ni Dela Rosa na desidido siyang lapitan si Pangulong Duterte para pansamantalang ipatigil ang lahat ng operasyon ng e-sabong.

Aniya, ang aksiyon ng mga kidnapper base sa mga video na ipinakita ng mga pulis ay pagpapakita ng kalupitan ng mga suspek sa pagdukot sa mga sabungero

“Kaya the more nagre-report kayo sa update the more ako talagang desidido kausapin si presidente na ihinto muna itong e-sabong na ito,” ayon pa kay Dela Rosa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.