Abante Tonite Interactive

Bato kasamang iimbestigahan sa GCTA scam

0 484

Hindi ligtas si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga iimbestigahan sa kontrobersiyal na pagpapalaya ng mga preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo na lahat ng mga opisyal at mga dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang iimbestigahan para matukoy kung saan nagsimula ang iregularidad sa pagpapalaya ng preso kahit hindi mga kuwalipikado.

Naniniwala ang Pangulo na handang magpaimbestiga si Dela Rosa para matukoy kung sino ang dapat na mapanagot sa mga iregularidad sa BuCor.

“I am sure. I am sure he would be ready to submit himself. Lahat naman eh, sabi ko. Sabi ko, may ano nga–may hiatus diyan,” anang Pangulo.

Ang naging butas aniya sa batas para sa pagpapalaya sa mga preso ay kung sino ang dapat talagang may kumpas nito dahil kahit ang kalihim ng Department of Justice ay hindi binanggit sa batas.

Inutos ng Pangulo ang imbestigasyon matapos sibakin si BuCor Director General Nicanor Faeldon noong Miyerkoles ng gabi. (Aileen Taliping)