Abante Tonite Interactive

Bato kinumpara ni Digong kay Aguinaldo

450

Bilib si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Philippine National Police (PNP) chief at senatorial candidate Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ayon kay Pangulong Duterte, matagal na niyang kilala si dela Rosa dahil sa katapatan nito sa paninilbihan sa bayan.

“When I became mayor, siya ang pinili ko. Tapos tour of duty ‘yan sila eh, ibang assignment. Pero palagi ‘yan siyang balik ng Davao kasi kinukuha ko talaga. Until such time naging mayor ako ‘yung nasabi ko ikinuwento ko sa inyo na binigyan ko siya trabaho.” wika ni Pangulo.

Abante Hiring – IT dep

Aniya, isa sa nagustuhan niya kay dela Rosa ay handa nitong ialay ang kanyang buhay para sa bayan, tulad ng bayaning si Emilio Aguinaldo.

“Kaka-graduate lang ng PMA nito nagpakasal kaagad ako ‘yung ninong. Tapos ah — alam mo na history. Ito ang mga pata — ito ang talagang pam — pantapos sa Mindanao. ‘Yan mga ano ‘yan, talagang inalay nila ‘yung mga ano — buhay nila. Kagaya kay Aguinaldo, kilala ko rin ‘yan. ‘Yon nag-alay talaga sa buhay nila para sa bayan.” dagdag ng Pangulo.