Abante Tonite Interactive

Bato malaki ang naitulong sa war on drugs – Duterte

0 230

Malaki ang naitulong ni dating Philippine National Police (PNP) chief at senatorial candidate Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin ni Duterte na hindi niya maisasakatuparan ang giyera kontra iligal na droga kung hindi niya kinuha si Dela Rosa sa kampanyang ito.

Dahil sa kalakaran ni Dela Rosa na hindi tumanggap ng lagay, sinabi ng Pangulo na naging matagumpay ang giyera kontra iligal na droga.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit kinuha ni Pangulong Duterte sa senatorial slate ng PDP-Laban si Dela Rosa dahil malaki aniya ang tiwala niya na makatutulong ang da­ting PNP chief sa pagsusulong ng legislative agenda ng administrasyon sa Senado.

“I tell you Bato — I won’t let him join the ticket and I will not waste saliva here if what I tell you about him is not true. He is really a good policeman and a person in general.” wika ng Pangulo sa campaign rally sa Bukidnon noong Sabado nang gabi.

Dahil sa suporta ng Pangulo ay lumakas din ang kandidatura ni Dela Rosa kaya’t pasok ito sa mga pre-election survey.