Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bato pagaling na sa coronavirus

0 394

Bumuti na umano ang pakiramdam ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa matapos magpositibo sa COVID-19 noong Nobyembre 21.

“Malapit na akong makalabas sa hospital. Pawala na ang mild symptoms,” pahayag ng senador sa text message sa Abante TONITE.

Nang tanungin kung muli siyang nagpa-swab test, sinabi nitong: “Saka na ako magpare-swab `pag nakalabas na ako ng ospital.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isinugod sa ospital noong Nobyembre 23 ang 58-anyos na senador matapos magkaroon ng lagnat, ubo at sipon.

Si Dela Rosa ang ikalimang senador na nahawaan ng COVID-19 ngayong taong ito.

Ang kanyang mga kasama na sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Sonny Angara, Aquilino `Koko’ Pimentel III, at Ramon `Bong’ Revilla Jr. ay pawang nakarekober na sa COVID. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.