Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bato pinalagan ng Makabayan bloc

0 52

Pumalag si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa panukala ni Sen. Ronald dela Rosa na pagbawalan ang mga party-list group na iniuugnay sa mga rebelde at teroristang grupo na sumali sa halalan.

Ayon kay Castro obvious na ang target ng panukala ni dela Rosa ay ang Makabayan bloc sa kanyang pag-ulit sa ‘script’ ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay ng walang basehang red-tagging sa mga progresibong party-list group.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng Senate Bill 201 na akda ni dela Rosa, daragdagan ang mga batayan sa pagdiskuwalipika ng mga party-list group upang hindi makalahok sa halalan. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.