Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bato: PNP malilinis ni Eleazar sa 6 buwan

0 393

Bagama’t anim na buwan lang pamumunuan ni Lt. General Guillermo Eleazar ang Philippine National Police (PNP), kayang-kaya umano nitong linisin ang institusyon mula sa mga tiwaling pulis.

“Meron kaming kasabihan diyan sa magiging chief ng PNP na, ‘It’s not how long you lead but it is how you lead the PNP organization’,” pahayag ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa sa isang panayam sa radyo.

Naging pinuno rin ng PNP si Dela Rosa.

“Kahit na umabot ka pa ng dalawa o tatlong taon diyan as PNP chief pero wala ka naman ginawa na reporma, wala rin mangyayari. But kahit andiyan ka 2 or 3 months pero desidido ka na mag-implement ng iyong hangarin na gustong malinis ang PNP, it matters a lot,” sabi pa ng senador.

Para kay Dela Rosa, malaking “impact” umano kung magagawang linisin ni Eleazar ang PNP sa loob ng anim na buwan.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.