Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bato: PNP, PDEA mananagot sa McDo shootout

0 348

Tiniyak ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa na mananagot sa kanilang pagkakamali ang mga sangkot sa misencounter ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa labas ng isang McDonald’s branch sa Quezon City noong Pebrero.

“We cannot and should not tolerate what happened in this incident, mananagot ang kailangang managot,” sabi ng senador.

Kahapon, Mayo 14, binuksan ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Dela Rosa, ang imbestigasyon sa McDo shootout.

Sabi ni Dela Rosa, nagdesisyon ang kanyang komite na ituloy na ang pagdinig matapos ang isa na namang insidente ng misencounter ng mga operatiba ng PNP at PDEA sa Novaliches, Quezon City noong nagdaang linggo.

“Lumamig na sana itong issue na ito, kumalma na sana, pero nangyari na naman itong sa Novaliches, baka sabihin na naman ng mga tao na masyado na kaming nagpabaya sa Senado, particularly ang committee on dangerous drugs,” ayon kay Dela Rosa.

“Bakit nangyari na naman ito? Kung nangyari na naman ito, parang hindi na tayo natuto. Kaya this committee deemed it proper to continue itong nate-tenggang imbestigasyon,” pahayag pa ng senador. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.