Abante Tonite Interactive

Bato umaming tumatanggap ng ‘gift’

0 330

Inamin ni dating Philippine Nationa­l Police (PNP) chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na nakatanggap din siya ng regalo mula sa mabu­buting taong kanyang natulungan noong siya ay nasa serbisyo pa ng pagka-pulis.

“Praktikal na tao lang si Presidente at ako ay praktikal din. Inaamin ko tumanggap din ako noon,” pahayag ni Dela Rosa panayam sa Dobol B sa News TV.

Kuwento nito, noong panahon na siya ay nasa serbisyo, isang pamilya ng biktima ng kidnapping ang nagpunta sa kanya at nagdala ng pagkain, kabilang ang lechon, bilang pasasalamat sa pag­ligtas sa kanilang anak at tinanggap naman niya ito.

“Anong gagawin ko? Sabihin ko hindi po, hindi namin kakain bawal po ‘yan. Napakaipokrito ko pag sinabi kong hindi ko tinanggap,” lahad ni Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay dating chief of police ng Davao City noong panahon na si Duterte ay alkalde pa ng lungsod. Hiniring siyang PNP chief nang umupo na si Duterte bilang pangulo ng bansa noong 2016. Nagretiro siya sa serbisyo noong 2018. (Dindo Matining)