Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bato walang tiwala kay Gordon sa death penalty

0 316

Umapela si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa kay Senador Richard Gordon na huwag barilin ang panukalang pagbuhay sa death penalty sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

“`Yon nga ang aming napag-usapan ‘yong proponents ng death penalty bills kung ayaw nya i-hear dahil hindi appealing sa kanya pero sana pagbigyan din dahil marami kami, pito kaming author ng bills. Kaya bigyan nya kami ng chance na ma-tackle ito, para finally makapag-decide tayo,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Sinabi pa ni Dela Rosa na kung walang gana si Gordon na siyang chairman ng Senate committee on justice and human rights, sa pagbalik sa death penalty ay ipaubaya sa iba ang sponsorship ng panukala.

“Sabi nga niya wala siyang gana — kung mag-create siya ng sub-committee ako ang mag-head sana ipaubaya niya sa akin ang sponsorship para `di parang sinaksak sa likuran ang bills kung ang mag-sponsor ay ayaw,” ayon pa kay Dela Rosa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.