Abante Tonite Interactive

Batocabe malaking kawalan sa Kamara – Barbers

245

Nanghihinayang ang isang kongresista sa pagkawala ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na malaking kawalan aniya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil nagampanan nito ng mahusay ang kanyang tungkulin bilang vice chairman ng house committee on dangerous drugs.

“Rodel was my vice chairman at the House Committee on Dangerous Drugs. He was hardworking, relentless and passionate in his conviction,” ayon kay Surigao del Norte Rep. Ro­bert Ace Barbers.

Nakakalungkot lamang aniya na pinatay si Batocabe sa pagkakataong naghahanda ang lahat para ipagdiwang ang Pasko.

Kaugnay nito, kinalampag ni Barbers ang mga awtoridad para agarang maaresto ang mga suspek sa pagpatay kay Batocabe at sa police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawa at ang kanilang pamilya. (Aries Cano)