Abante Tonite Interactive

Batocabe slay: Albayalde gigisahin sa 35M reward

981

Kahit nagretiro na ay ipinatawag pa rin ng House committee on public accounts si dating Phi­lippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde kasama ang iba pang matataas na opisyal ng pulisya para ipaliwanag kung saan napunta ang P35 milyong pabuya laban sa mga pumatay kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin, sa Miyerkoles gagawin ang pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Anak Kalusugan Party-list Rep.

Michael Defensor at inaasahang dara­ting dito si Albayalde gayundin sina acting PNP chief Lt. Gen. Archie Gamboa, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, PNP spokesperson Brig. Gen. Bernardo Banac, Lt. Col. Narciso Langcauon ng PNP Intelligence Office, at Atty. Joseph Orsos ng PNP Legal Division.

Inimbita rin aniya sa pagdinig ang mga testigo ng prosecution na sina Emmanuel Judavar, Danilo Muella, Christopher Naval, Jerwin Babor, Emmanuel Rosello, at Atty. Jofrey Botor, abogado ni Judavar. (PNA)