Abante Tonite Interactive

Batuan, Masbate Vice Mayor inutas sa Maynila

0 231

Umalingasaw ang putok ng baril sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkoles ng umaga kung saan ang bise alkalde ng Batuan, Masbate ang target ng mga gun man.

Ayon sa report ng pulisya, patay si Vice Mayor Charlie Yuson III, habang sugatan naman ang dalawa nitong kasama na sina Wilfredo Pineda at Alberto Alforte.

Sinugod sa UST Hospital sina Pineda at Alforte para lapatan ng lunas.

Ayon sa mga awtoridad, nag-aalmusal lamang ang mga biktima sa isang bahay sa kahabaan ng VG Cruz street nang biglang paputukan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Naplakahan naman ang gray na van na ginamit ng mga suspek na ACM 8804.