Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batugang male personality hiniwalayan ng esmi

0 470

Unti-unti nang sumisingaw ang mga kuwento tungkol sa paghihiwalay ng isang showbiz couple. Walang sinumang nagsalita sa kanilang dalawa nang maputol ang kanilang relasyon.

Nanatili silang tahimik, walang paliwanag na lumabas mula sa kanilang dalawa kung bakit nasayang ang mahabang panahon ng kanilang pagsasama, mahiwaga para sa marami ang sitwasyon.

Pero may mga taong malapit sa dating mag-asawa na nakakaalam ng totoo. Sila ang puwedeng magsabi kung ano ba talaga ang nangyari at nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Kuwento ng isang source, “Naglalabasan na ang mga kuwento ngayon. Hindi man nagsalita ang nagkahiwalay, meron namang mga taong close sa kanila na nakakaalam ng totoo.

“Sa takbo ng mga kuwento, e, napuno na ang girl sa pag-intindi sa male personality. Bumibida sa kuwento ang kabigatan ng katawan ng guy. In short, may katamaran siya.

“Kuwento ng isang close sa kanila, umaalis nang maaga sa house nila ang girl para mag-asikaso ng business nila. Tulog pa ang guy sa pag-alis niya.

“Habang working ang girl, e, tulog naman ang lalaki, as in walang pakialam kung anong oras na, basta sleeping beauty lang siya!

“Natural, uuwi na sa gabi ang girl, may-I-ask siya sa kasamabahay nila kung anong time gumising ang head of the family. Sasabihin naman ng maid na pagabi na.

“Pero naligo lang kuno ang guy at umalis na ng house. Palaging ganu’n ang nangyayari, pinagpapasensiyahan naman ng girl ang karelasyon niya!

“Nakakaloka nga naman, siyang babae pa ang concerned sa pamilya nila, samantalang ang lalaki, e, isang katuga. Kain, tulog, gala,” kuwento ng impormante.

Hanggang sa isang araw ay nagdesisyon na ang female personality, tama na, hindi na niya kayang palampasin ang mga nangyayari. Nakipaghiwalay na siya.

“‘Yun ang totoong reason, ang kabigatan ng katawan ng guy, magtatrabaho lang siya kapag gusto niya. Kapag gusto niyang basta matulog lang nang matulog, maganda man ang offer sa kanya, e, hindi niya ‘yun tinatanggap.

“At nadiskubre pa ng girl na bukod pala sa katamaran ng ex-partner niya, e, may mga milagrong ginagawa ang guy! Chick boy!” pagtatapos ng aming source.

Paglayas ni Tekla burado na kay Willie

Nakakahinga na nang maluwag ngayon ang problemadong si Super Tekla. Mabibigyan na ng pagkakataong maoperahan ang mahal niyang anak na si Angelo na may problema sa labasan ng dumi.

Produkto ng kanyang mahahabang panalangin ang pagdating ng tulong mula sa kanyang mga kasamahang personalidad, kay Willie Revillame, at sa mga kababayan nating napapasaya niya bilang komedyante.

Hindi namin malilimutan ang kanyang sinabi sa una niyang interbyu nang ipanganak ang sanggol, “Kung dati lang ito, wala sanang problema. Isang akyat ko lang sa entablado, wala na akong iintindihin.”

Iniluwal ang sanggol sa panahon ng pandemya. Walang trabaho si Super Tekla, puro replay ang ipinalalabas nilang show ni Boobay, at nagsarado pa ang mga comedy bar.

Pilay na pilay siya ngayon, bali ang kanyang pakpak, matinding problema ang proseso ng operasyon ni Angelo na hindi nagpapatulog sa kanya at nagbibigay ng katahimikan ng kalooban.

Sa kabila ng hindi magandang paghihiwalay nila ni Willie ay tutulungan pa rin siya ng TV host, burado na sa puso ni Willie ang pag-alis niya sa Wowowin nang walang pormal na paalam sa kanyang kuya, ‘yun ang magandang katangian ni Willie.

“Nakasama ko siya sa show, tutulungan ko siya. Ito ang panahon ng pagdadamayan, ng pagbibigay ng tulong, wala na sa akin ang nangyari nu’ng bigla siyang umalis sa Wowowin,” sinserong pahayag ni Willie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.