Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baucas, Norada habol sa Tokyo

0 143

Hahabol ang apat na mga mambubuno, sa pangunguna dalawang mga nanalo ng gold medal sa Philippine 30th Southeast Asian Games 2019 na sina Jason Baucas at Noel Norada sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog ng pandemya sa parating na July 23-August 8.

Makikipagtagisan ng galing at tapang sina Baucas, nagkampeon sa 2019 SEA Games men’s Greco-Roman 72-kilogram event, at Norada, naghari sa G-R 63kg., sa World Wrestling Olympic Qualification Tournament sa May 6-9 sa Sofia, Bulgaria.

Ang dalawa pang kakasa ay sina SEAG men’s freestyle 57kg silver winner Alvin Lobrequito at women’s FS 50kg silver medalist Jiah Pingot.

SM food to go Banner Ad

Misyon ng Pinoy matmen na makasulong sa finals upang makaabante sa quadrennial sportsfest.

Mula sa 1936 Berlin Olympics, may 15 Pinoy wrestler na ang nakapag-Summer Games. Pero ang pinahauli ay noon pang 1988 Seoul OLympics sa pagsabak nina Dean Carlos Manibog at Florentino Tirante (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.