Abante Tonite Interactive

Bautista, Basilan titirisin ang NE

194

Sasandalan ng Basilan si Jerald Bautista sa 9pm encounter kontra Nueva Ecija sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Lamitan City Sports Complex sa Basilan.

Gumawa ng 17 markers si Bautista sa huling engkuwentro ng koponan niya kontra Quezon City Capitals, 86-78, nitong Oktubre 30 para sa ikatlong sunod na tagumpay.

Papabida rin sa Basileño sina Jay Collado at Gab Dagangon na kumubra ng tig-13 points para iangat pa ang Steels sa 5th spot ng Group B South Division sa 12-8 kartada.

Tatapatan naman sila sa alas-9:00 nang gabing duwelo ni John Paul Sarao na umiskor ng 14 sa Rice Vanguards sa 70-58 loss nitong Nobyembre 7 kontra Bicol.

Aagapay sa kanya si ex-pro Jimbo Aquino para pagandahin ang 5-14 baraha ng koponan at umangat pa mula sa Group A North Division 14th place. (Aivan Episcope)