Abante Tonite Interactive

Bautista binambo ang Iloilo

383

Sinandalan ng Basilan Jumbo Plastics si Jerald ‘Jhaps’ Bautista upang kunin ang unang abante sa best-of-three quarterfinals ng 3rd Chooks MPBL Lakan Cup 2019-2020 matapos pabagsakin ang Iloilo United Royals, 83-68, Miyerkules ng gabi sa STRIKE Gymnasium sa Bacoor, Cavite.

Bumuhos ng game-high 21 points si Jhaps mula sa 8-of-10 shooting kasama pa ang 3 rebounds para makalapit sa semifinals ang Basilan.

Kasama niya sa mga umangas sina Hesed Gabo at Dennis Daa na mga nag-ambag ng tig-10 markers at mga pinagsamang tig-seven rebounds at assists para alpasan ang sixth-seeded team ng South na Ilonggos.

Sa naunang dalawang quartet pa lamang ay hawak na agad ng Basilan ang upperhand anim na puntos na bentahe. Pagsapit naman ang third period mas sinamantala pa ang malamyang kalaban para makalayo sa 51-40.

Ang jumper ni Hesed Gabo sa payoff quarter ang nagbibigay ng pinakamalaking lamang na 20 sa winning squad, 81-61, may natitirang 2:24.

“Focus lang kami sa game plan namin and sinunod lang naming yung mga sinasabi ni coach,” pahayag ni Bautista. “Kasi wala na kaming break eh. Dire-diretso na kami sa ensayo, so sabi namin kailangan namin makuha yung game naming ngayon kasi para pagpunta naming sa Basilan maganda yung ipapakita namin.”

Nasayang naman ang ginawang 11 at 10 markers nina JR Parkers at Ryam Arambulo upang silatin sana ang .

Ang iskor:
Basilan 83 – Bautista 21, Gabo 10, Daa 10, Dagangon 9, Balucanag 8, Collado 7, Uyloan 6, Palencia 4, Dumapig 4, Hallere 2, Manalang 2, Bringas 0.

Iloilo 68 – Parker 11, Arambulo 10, Escoto 8, Sierra 7, Prado 6, Gumaru 5, Jeruta 5, Publico 5, Golla 3, Javelosa 3, Jaboneta 3, Mahari 2, Rodriguez 0, Li 0. (Aivan Episcope)