Abante Tonite Interactive

Bautista, GenSan tinabig ang Pasig

212

Sa pagtimon ng 23 points, 5 rebounds at 2 assists ni Juju Bautista, kinalsuhan ng GenSan Warriors Burlington ang back-to-back setback, sorpresang tinabunan ang Pasig Sta. Lucia Realtors, 91-82, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims Miyerkoles nang gabi sa San Andres Sports Center sa Malate, Maynila.

Nakaagapay niya ang apat pang kakuwadra na mga pumukol ng 12 markers above pa na pinangunahan ng 14 at 11 boards pa ni John Raymundo sa pagtapos ng Warriors sa tatlong ragasa ng Sta. Lucia para umangat sa 11-54 win-loss record at kapitan ang Group B third spot.

“It was pretty much our defense. Because we’re playing poor in the 1st half so we just wanna come out and play and more aggressive defense,” ani Bautista sa paghaltak sa biktima sa 9-4 at mapako sa Group A fourth spot.

“It was very important [win] cause you know those back to back losses hurt us,” panapos ni Bautista, na inabantehan ang Pasigueños ng hanggang 14 tapos nilang tumayo sa 12 pts. down. (Aivan Denzel Episcope)