Abante Tonite Interactive

Bautista niratrat ang Malacañang

457

Inakay ni Boyet Bautista ang defending champion Armed Forces of the Philippines (AFP) upang pabagsakin ang Malacañang Palace-PSC, 77-65 at pumasok sa semifinals sa pagpapatuloy ng 8th UNTV Cup 2019 second round eliminations nitong Linggo sa San Juan City Gym.

Tinirada lahat sa labas ng arko ng former Letran star ang kanyang 24 points na nilakipan pa ng 5 rebounds, 3 steals at 2 assists upang makabalikwas ang Cavaliers buhat sa pagtaob sa Judiciary at kunin ang barahang 7-1 sa ligang inor­ganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon para sa mga public servant. Lagpak ang MP-PSC Kamao sa 5-3.

Patuloy naman ang ratsada ng Judiciary Magis (4-3) nang sandalan ang 24 markers ni Christopher dela Cruz para mamasaker ang PhilHealth Plus (2-5), 112-86.

At giniba ng NHA Builders (5-3) ang PITC Global Traders (4-3), 71-63, sa ligang may papremyong P4M mula sa mapipi­ling charity ng champion team. (Aivan Epiecope)