Abante Tonite Interactive

Bautista umupo na sa DSWD

By
272

Nagsimula nang manungkulan sa bago niyang puwesto bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si dating Philippine Army commander Lt. Gen. Rolando Bautista.

Sa isang turnover ceremony kahapon, tinanggap ni Bautista ang DSWD flag mula kay Acting Secretary Virginia Orogo.

Kaugnay nito, sinabi ni Bautista na isang ma­laking hamon sa kanya ang pagkakatalaga sa DSWD.

Abante Hiring – IT dep

“Mahirap man ang mga pagsubok na dara­ting, pero kung magtutulungan tayo at sama-sama nating tatahakin ang tamang landas, nakatitiyak ako na anumang suliranin na darating dito sa ating kagawaran ay mapagtatagumpayan natin tungo sa ikabubuti ng sambayanan,” paha­yag ni Bautista.

Opisyal na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DSWD si Bautista noong Oktubre 17, 2018. Miyembro si Bautista ng Philippine Military Academy ‘Sandiwa’ Class of 1985 at dating commander ng Presidential Security Group. Siya rin ang ground commander ng mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.