Abante Tonite Interactive

Bawal ang gapangan sa EDDYS!

28

SI Mother Lily ­Monteverde ang isa sa nagbigay ng todong suporta sa project ng grupo ng mga entertainment editors na SPEED, Inc.

Ginanap sa kanyang Valencia Events Place ang launch ng The Eddys Entertainment Editors’ Choice Awards na naka­takda na sa July 9 sa Kia Theater.

Malaki ang pasasalamat ng grupong SPEED sa walang sawang suporta ng Regal matriarch.

Sa awarding nito ay gagawaran nila si Mother Lily ng parangal na Most Active Producer of the Year.

Magmula nang itinatag ang Regal Films, tuluy-tuloy ang pagiging active nito at hindi nagpahinga.

Bukod kay ­Mother, may special award din kina Boy ­Abunda (Joe ­Quirino Memorial Award) at Lav Diaz (Manny ­Pichel Award).

Sa naturang launch ng The Eddys ay in-announce na rin ang official nominees na kung saan maglalaban-laban ang mga peli­kulang Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy, Jr., Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz, Everything About Her ni Joyce Bernal, Saving Sally ni Avid Liongoren, at Die Beautiful ni Jun Lana.

Nakakatuwa at napa­sali sa talaan ng Best ­Actor nominees si ­Daniel Padilla (Barcelona) kalaban sina Paolo Balles­teros (Die Beautiful), Enzo Marcos (Saving Sally), Dingdong Dantes (The Unmarried Wife) at Ronwaldo Martin (Pamilya Ordinaryo).

Mas ­pinag-uusapan ang nominees ng Best ­Actress dahil ­muling magtapatan sina ­Nora Aunor (Tuos) at ­Vilma Santos (Everything About Her), kalaban sina Hasmine Killip ­(Pamilya Ordinaryo), Jaclyn ­Jose (Ma’Rosa), Rhian ­Ramos ­(Saving Sally), Charo ­Santos (Ang Babaeng ­Humayo) at Ai Ai de las Alas ng (Area).

Matindi ang laba­nan dito pero pagkatapos ito ilabas sa social ­media, ang dami nang nagkomento na malaki ang lamang ni Jaclyn dahil sa pagkapanalo niya sa Cannes Film Festival.

Hindi ito basehan, sabi ng presidente ng SPEED na si Isah Red.

Iba ang grupo na mag­huhusga, at iba ang maglalaban-laban ­dito. Sabi pa ni Isah, sa dami ng mga awards na ipinamimigay ­ngayon sa ­movie industry, tingin nila, nararapat ding mamahagi rin sila ­bilang pagbigay-halaga sa mga taong nakaka­salamuha at nasusulat nila sa kanilang pahayagan.

Ani Isah Red, “The Eddys is just the collective sentiment of the editors group with regards to films and television review.”

Walang padri-padrino sa Eddys. Walang kampan­yahan dito.

Bawal ang gapangan!