Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bawal ang knockout! Upakang Tyson-Jones corny

0 234

WALANG saysay!

Ganito ang sigaw ng fans sa upakang Mike Tyson kontra Roy Jones Jr. nang pagbawalan ang dalawang boksingero na humataw sa suntukan at magkaroon ng knockout.

Anila’y sayang ang pay per view ng fight card dahil kontrolado ang pagiging agresibo ng dalawang boxing legend.

“What’s the point then… Now i’m not interested in seeing this at all,” katwiran ni netizen Danny Velez.

“Where’s the fun in it, it might as well be free,” saloobin naman ni netizen Edwardo Santos.

“Probably the first boxing PPV I have not bought since 2010, this is an absolute disgrace and pointless,” share ni netizen Peter Peece.

Pareho na kasing may edad si Tyson at Jones kaya napagpasyahan ng World Boxing Council na alalay lang sa kanilang upakan at walang magpapatumba.

Nakatakdang magsabong ang dalawa ngayong Sabado (Linggo, Manila time). (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.