Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bawal magliwaliw – Araneta

0 39

Isiniwalat ni Team Pilipinas chef de mission Mariano Araneta Jr. walang pagliliwaliw para sa mga athlete at coach na sasabak sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset sa darating na July 23-August 8 dahil sa pandemya.

Naglabas aniya ng ‘playbook’ ang organizing committee ng host country na magsisilbing guidelines sa mga atleta, coaches at opisyal na pa-quadreninal sportsfest.

“Actually we discussed about the playbook that they came up with. Binigyan kami ng playbooks and even now after that meeting mayroon kaming binigay na playbook sa lahat ng NSAs (national sports associations) that are magpa-participate or magku-qualify pa,” lahad ng opisyal sa programang “The Chasedown” nitong weekend.

Dinagdag pa ng Philippine Footbal Federation (PFF) president, “So lahat dapat ng protocols, dapat sundin. Mahigpit na mahigpit. We’re not even allowed to go on public transportation. Ang kailangang transportation ay designated transportation lang pagdating sa Japan.

We’re not even allowed to shop, walang sight-seeing ,then of course social distance, hygiene, lahat, nandun yun sa playbook na dapat sundin ng athletes and officials para to protect the Games any untoward incidents.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.