Abante Tonite Interactive

Bawal nakasimangot sa city hall – Isko

349

Hinikayat ni Mayor Isko Moreno ang mga empleyado ng Manila City Hall na magserbis­yo nang nakangiti sa publiko.

“Nandiyan kayo dahil meron kayong ha­laga at angking ga­ling. Gamitin ninyo ito sa paglilingkod sa publiko. Sana ay nakangiti ta­yong nagserserbisyo sa mga nangangaila­ngan,” ayon kay Moreno.

Tiniyak naman ng alkalde na ibibigay ng Pamahalaang Lokal ng Maynila ang mga benepisyo na para sa mga empleyado.

“Hindi ko kayo gagawing timawa. You don’t have to look or beg for it.

Ibibigay ko nang maluwag sa puso ko. Mauna na kayo. Paano ka magiging maga­ling sa kapitbahay kung sa loob mismo ng bahay mo ‘di mo magawa,” sabi ni Moreno.

Tiniyak din nito na gugulin ng tama lahat ng pondo ng lungsod.

“Sisinupin namin so that what is due you will be given you, not a single cent less. I will not put you in a situation wherein hinihingi n’yo pa ang para sa inyo,” dagdag ng alkalde.

Pinasalamatan naman ni Moreno ang lahat ng empleyado ng city hall dahil sa ibi­nibigay nilang suporta sa kanyang panunungkulan sa siyudad. (Juliet de Loza-Cudia)