Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bawal pass muna sa 13th month pay – Palasyo

0 50

Hindi maaaring hindi ibigay ng mga employer ang 13th month pay ng kanilang mga manggagawa kahit pa apektado ng pandemya ang mga negosyo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may batas hinggil sa pagbibigay ng 13th month pay kaya dapat na sundin ito ng mga employer.

Hindi aniya puwedeng lumiban sa pagbibigay ng 13th month pay dahil obligasyon ito ng mga employer sa ilalim ng batas paggawa.

Kung hindi aniya kaya ng mga negosyante na magbigay, lalo na ang nasa small and medium scale industry, na nahirapan dahil sa epekto ng pandemya, sinabi ni Roque na matutulungan sila ng gobyerno sa pamamagitan ng Small Business Corporation.

“Magbibigay ng assistance ang gobyerno sa pamamagitan ng Small Business Corporation para doon sa mga small and medium scale industries na kinakailangan ng tulong pambayad sa 13th month pay,” ani Roque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala silang nakikitang anumang problema kung gagawing installment basis o hulugan ang 13th month pay para sa mga empleyado ng pribadong sektor.

Gayunman, sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na dapat na napagkasunduan ito ng mga employer at kanilang mga empleyado.

Idinagdag pa ni Bello na naiintindihan niya ang kalagayan ng mga employer sa apektadong ekonomiya dahil sa pandemya subalit dapat silang sumunod sa batas.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 851, inatasan ang mga employer na ibigay ang 13th month pay ng mga empleyado bago o hanggang sa araw ng Disyembre 24. (Aileen Taliping/Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.