Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bawal sibakin hindi bakunadong worker – DOLE

0 68

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi maaaring tanggalin sa trabaho ang isang indibiduwal dahil lamang sa hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19.

“Any employee who chooses not to get vaccinated or fails to get vaccinated shall not be discriminated against in terms of employment,” paglilinaw ng DOLE sa inilabas na pahayag nitong Huwebes.

Hindi rin umano dapat nag awing requirement ang vaccine card sa trabaho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, puwedeng hikayatin ng mga employer ang kanilang manggagawa na magpabakuna ngunit “hindi ito magiging dahilan para sila ay tanggalin sa mga kompanya na pinapasukan o pinagtatrabahuhan.”

May natanggap umano kasi siyang mga report tungkol sa mga empleyado na tinatanggal sa trabaho dahil hindi pa bakunado. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.